Add parallel Print Page Options

17 At si Azarias na saserdote ay (A)pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:

18 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, (B)Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa (C)mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan: lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.

19 Nang magkagayo'y si Uzzias ay naginit; at siya'y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan; at habang siya'y nagiinit sa mga saserdote, ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon, sa siping ng dambana ng kamangyan,

Read full chapter